Anong meron?

Ilang beses na kong nag attempt gumawa ng blog para lang masabing creative ako. Ilang beses ko na ring inumpisahan actually pero hindi ako consistent… siguro dahil mabilis akong mawalan ng interes… ewan ko ba…

I love writing and kapag ginaganahan ako, I do write… ever since… poems… short stories… ala-Precious Hearts Romance na mga novels… songs… anecdotes… I even tried to submit a piece sa isang pakontes dati ng National Bookstore when I was in college and even tried to submit an entry sa “Laughter Is The Best Medicine” section ng Reader’s Digest pero nga-nga… may mga nagawa ako pero never kong napasa…

Andun lang sa portfolio ko… nakatambak, bilang handwritten talaga sila… ewan ko ba…

I have this journal nung highschool/college days ko, nakita ko ulit nito lang… nahalungkat ko… binasa ko… nakakaloka!!! ang daming grammatical errors! Di ko alam kong past tense ba o present tense yung pagkakasulat ko… pati ang napakasakit sa ulo na prepositions – hindi nagtutugma!! Nakakahiya!!

Meron din akong dalawa pang journals – yung isa parang diary na addressed sa future self ko. Keri lang kasi parang free flowing lang sya… parang ganito lang din… magulo… pero yung isa – hahahaha! Maraming sections! Merong section dedicated sa lahat ng mga taong nakilala ko at kung anong masasabi ko sa kanila…

ex: Kelly – you’re nice but I don’t like you.

meron ding section para sa mga best friends ko…

meron ding section na “My Neverending Hopes” na tungkol sa mga pangarap ko sa buhay… hahaha!!

meron ding section na “My Last Will and Testament”… kaloka!

at eto! eto yung pinakanakakadiri… section ng mga predictions ko ala Nostradamus. hahahaha!!! Meron akong entry dun tungkol sa pagdating ng huling paghuhukom… baliw ampotah!

ewan ko ba…

***

Simula pagkabata mahilig na talaga ako magsulat at magbasa… naalala ko pa lahat ng signboards at mga pangalan ng tindahan na nadadaanan ng sinasakyan kong tricycle binabasa ko…

Linda’s Sari-sari store… Ramon’s Vulcanizing Shop… Children’s Playground… Vote Wisely… mga ganun… binabasa ko talaga kahit na yung mga hindi ko kayang i-pronounce dati… Miscellaneous (name ng isang department store), Boutique (Botikee yung pagkakabasa ko), at R.L. Apartelle (apartelye)…

Sa kakapalan ng mukha ko, nakuha ko pang sumali sa parang writing contest nung elementary ako… parang feature writing contest sya… lahat ng schools sa city namin may mga participants at sinali ako ng English teacher ko nung Grade 5 bilang pabibo ako sa English subject talaga. Siguro nakitaan nya ko ng potential (araguy)…

Nung contest na… gosh! I can still remember vividly… may baon pa kong Reader’s Digest bilang props kunyari… nagbasa talaga ako pero di naman nagsi sink in sakin yung binabasa ko, pang intimidate sa mga ibang kasali dun na kunyari cultured ako… hahaha!! Grade 5 ako nun ahh… dami ko nang kaartehan…

Sinabihan kami nung isang teacher na dapat daw, first line pa lang ng article namin eh interesting na kasi daw yung mga judges, kapag first line pa lang eh na-bore na sila… di na nila babasahin yung the rest ng sinulat mo… nag-iisip na ko kung anong pinakainteresting na pedeng i-sulat.

Jusme! yung naging topic ko nun tungkol sa sun, moon, planets and stars bilang mahilig ako sa astronomy… hahahaha!!! natatandaan ko talaga na may sinulat akong ganito: “…do you know who the brother of the sun is? The moon…” hahahahah! parang tanga lang…

ending di pumasa! nanghinayang pa ko nun kasi yung mananalo dun is ipapadala daw sa Ilo-ilo para sa division round.. kapal ng mukha ko nung sinabi ko kay Mama after nung contest pagkalabas ko sa classroom na kelangan nilang mag-prepare ni Papa ng pang pocket money ko… hahahah!!! kaloka!

Akala ko talaga makakapasok ako kasi nga yung ibang kasamahan ko dun sakin pa nagtatanong kung anong english ng “kuwentas” at “gripo”… since nasagot ko naman sila, I thought mas superior ako… yun pala, hindi… overconfident lang… hahah!

ewan ko ba… basta… kanya-kanyang trip lang yan ika nga…

***

gosh! while writing this, I had a light bulb moment kung anong isusulat ko sa blog keme na to… yes!! sa isang blog spot ko kasi, parang mga kaartehan at kelangan ko pang mag-isip talaga ng kung anu-ano… ala-Bob Ong… pede naman pala akong mag kwento tungkol sa makulay kung buhay… since marami naman akong anecdotes tungkol sa childhood ko hanggang sa tumanda na ko…

makulay ang buhay ko…

comedy… marami akong kalokohan… hahah! di ako mauubusan… isang lifetime din yun… kaya yun.. basta… bahala na… oh sya!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s