ALDUB Fever

Oo… aaminin ko talaga.. AlDub fan ako… urgh…

To be honest, I am not really into local celebrities talaga… oo, humahanga… may mga nakukyutan naman ako… nagagandahan, ganun pero hindi talaga ako masugid na fan ng kung anong love team o teleserye… I’m a huge Harry Potter fan… Gleek din ako… super fan din ng Game of Thrones, The Walking Dead, American Horror Story, CSI, Hannibal, FRIENDS!! at kung anu-ano pang international TV Series…

And my twitter account is exclusively for bashing Binay or retweeting posts of J.K. Rowling, Leonardo DiCaprio, Carlos Celdran o Lourd De Veyra… in short, I want my twitter to be as intellectual and cultured as it can be (chos!)…

Well, background lang yan ng taste ko sa social media and entertainment chenelyn…

***

On July 11, nanuod kami ng Eat Bulaga! sa Broadway bilang yung friend ko eh friend ni Julia Clarete kaya nakapag pareserve kami… super excited ako nun kasi grandfinals nung Regine PaMore! I Like music and it’s no wonder why I like Regine… anyway… wala pang ALDUB nun… pero dun ko unang nakita si Yaya Dub though sa monitor lang…

Una kong naisip talaga is… nakakatawa yung itsura nya… di ba kung anu-anong ginagawa nya sa mukha nya tapos pinapasayaw pa sya ng pinapasayaw…

Si Alden naman… parang no big deal sakin… again, I’m not really into local celebrities…oo, matangkad, maputi, gwapo pero yun lang… I didn’t even have a pic with him… sila lang ni Mama lang (yep, sinama ko si Mama bilang faney na faney yun ng Eat Bulaga!)

AlMa

Mom with Alden… oo, nang bigwas talaga sya para makapagpa pic kay Alden… nagpayakap pa talaga si Mudra with matching japan-japan…

***

So eto na nga… bakit ako nahumaling??

Eto yun… yung unang interaction nila, yung nakita ni Yaya si Alden sa split screen… dun ako nakaramdam ng kakaibang kilig… hahah! Ang genuine kasi ng reaction nya… at VERY relatable kasi aminin man natin mga bakla o hindi, ganyan na ganyan reaction natin kapag kinikilig tayo sa crush natin… pinipigilang kiligin na nahihiya na natatawa na ayaw magpahalata… di ba??

Dun ako nakarelate! hahaha!! And totoo nga yung sinabi ng sociologist na we see ourselves in her… true di ba? And what’s more alluring about it is accidental sya and hindi scripted… kaya alam nating totoo yung reaction ni Yaya Dub…

Eto pa… I mentioned na relatable si Yaya Dub pero hindi lang yung reaction nya kundi yung story nya mismo… a nobody who suddenly becomes a SOMEBODY! Na napansin nitong tisoy na artista tapos yun na… alam nyo na kung anong nangyari after that chance encounter…

Comment pa nga nung friend ko na guy, parang story din daw ni Richard Gomez and Lucy Torres – a star and a fan who fell in love with each other! pak!! bilang usong-uso yung romance-comdey stories ngayon kaya mas pumatok sila..

***

Nakakasunod lang ako sa Kalyeserye tuwing may upload na sa Facebook bilang tulog ako sa umaga… pagdating sa office, kung wala pang upload… check ko muna latest news tungkol sa Aldub… Abante, Inquirer, Philstar, Rappler etc…

After nun, usually uploaded na sya sa FB… manunuod na ko… then saka mag tatrabaho… araguy…

I even intentionally schedule all my client calls tuwing second half ng shift ko para yung first half ay dedicated lang sa Aldub… hahah! Don’t worry, nakakameet naman ako sa deadline… 😉

***

Di pa ko nakuntento… pati sa Twitter, nakibalita ako… ni-follow ko agad si Alden at Maine, pati si Daddy Bae, yung ilang Aldub Nation Official accounts para sa updates pero hindi ako nagpopost about Aldub… di din ako nakiki twitter party nung una kasi naiisip ko talaga na parang ang jologs ko o ang jeje ko naman kung maggaganun ako… ayokong kutyain ako ng mga kakapiranggot kong followers na mostly ay friends ko at yung mga nagfa follow sakin na Anti-Binay din… baka isipin nila ang cheap ko…

Magpopost ako minsan pero ide delete ko din agad… gusto ko lang may maiambag sa pagpapa trend nung hashtag…

Pero kalaunan… wapakels na… nakiki twitter party na ko… hahaha!! At nawala yung notion ko na kajologan o kacheapan yung ginagawa ko kasi masaya ako sa Aldub eh… Do the things that make you happy kumbaga… at good vibes lang din naman kasi talaga yung mga ka-Aldub Nation (woot-woot)… tapos I found out na yung mga friends ko pala eh naka subaybay din sa Aldub… hahah!

I have this officemate na lalake… straight! kami lagi yung nagchichikahan about Aldub… blogger sya, yung iniinvite talaga sa mga events… sinabihan ko talaga sya na i-feature nya yung Aldub… sabi nya meron na daw… hahaha!!

http://www.kampeonngpagibig.com/2015/09/08/7-aldub-facts-that-every-fan-must-know/

***

Minsan hindi ko rin maiwasang basahin yung mga negative write ups or yung mga comments ng bashers nila… surprisingly, hindi ako naooffend or naiinis… napapangiti pa ko… maybe because mas nananaig yung good vibes at kilig na nararamdaman ko sa Aldub kesa maapektuhan sa mga sinasabi nila… lol

***

So there! Yun lang… gusto ko lang talagang ilabas yung admiration ko sa kanila… lol

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s