ALDUB Fan-mily and Friends of Menggay and Tisoy

I have to admit that I became addicted to Twitter when I was diagnosed with severe Aldub fever. I’m just one of the millions, yes MILLIONS, na bago matulog at pagkagising ay cellphone agad ang inaatupag… minsan nalilipasan pa ng gutom o nali-late sa pasok o nakakasunog ng niluluto o natatambakan ng hugasan o labahin dahil sa pagiging Aldub addict.

Kapag nagbabasa ako ng mga tweets ay iba’t ibang klase ng Aldub fans ang nakikita ko… may super nice, may super die-hard, may super cool, may super smart, may super sosyal at kung anu-ano pa, pero lahat kami ay makaka-categorize ko sa mga sumusunod.

ALDUB FANMILY

DADDY BAE

Sila yung mga tatay talaga irl na nahawa na rin sa kanilang mga misis at mga anak sa Aldub craze… mga businessmen, tricycle drivers, mga manggagawa, mga stay-at-home, office workers, politicians (oo, damay na natin sila), at lahat na…

Sila yung protective at gustong maging role model si Menggay ng kanilang mga anak (esp yung may mga anak na girls)…

Sila rin yung pigil na pigil ang kilig at pag-ngiti pero deep inside ay pinapanalangin na sana eh tratuhin din ang kanilang mga prinsesa katulad ng pag-trato ni Alden kay Menggay…

Sila din yung hindi masyadong vocal pero full support kay Alden dahil for sure, most of them, if not all, ay naranasan ang mga pinapagawa ni Lola Nidora kay Alden.

MOMMY DUB

Homemakers, housewives, career women – all kinds of mother actually… sila yung mga dakilang ina ng tahanan na sa tuwing nanunuod ng Aldub ay pause muna lahat ng mga gawain, sinasara muna ang tindahan at nagpapatulog ng mga junakis…

For sure, sila yung nakaka relate ng todo kay Menggay – having the same strict parents or grandparents… yung mga sinuyo talaga ng bongga at naghintay ng kanilang tamang panahon na gusto nila ay maranasan din ng kanilang mga anak na babae…

Sila din yung mga botong-boto sa mga katulad ni Alden – magalang, mabait, mapagkumbaba, mapagmahal sa magulang at higit sa lahat ay man of faith…

KUYA BARAKO

Mga barako talaga sa totoong buhay na hindi nahihiyang aminin na Aldub fans sila… yung mga straight guys na super relate kay Alden pero at the same time eh overprotective kay Menggay (shout out to the ALDUBARAKOs)…

Sila yung nagtatanggol kay Menggay sa mga bashers (please follow Don Simoun Ibarra’s twitter account – @donsimounibarra) – take note: nagtatanggol… hindi nagpapasimuno ng gulo… defensive force lang ba… Kuya nga di ba?

ATE GANDA

Sila naman yung mostly eh mga founders ng iba’t ibang Aldub fans clubs worldwide… tagapanatili ng kapayapaan… sila yung neutralizer sa pagiging “aggressive” minsan ng mga Kuya Barako…

Sila yung malalamig ang ulo at focus lang sa kung anong pwedeng gawin para mapagtibay ang Aldub fanmily… and yes, sila yung naiiyak sa mga kilig moments ng Aldub talaga (aminiiiin!!)…

BUNSO

Ang mga nakababatang Aldub fans who look up to Menggay and Alden as their role models… Yung mga naiinis kay Lola Nidora pero natututo naman sa mga pangaral nito…

FRIENDS

ALDUBARKADS

Mga girls and girl-at-hearts… sila yung super support talaga parati… beast mode… super active sa lahat ng social media at sa pagpapa trend…

Sila din yung mga nagtyatyaga talagang pumila sa Broadway… may mga pinakamalalakas na tili at pinakaunang naiiyak kapag may mga kilig moments o sad scenes ang Aldub…

Sila din yung mga nagtitimpi lang talaga sa mga bashers pero composed pa rin dahil mas nakakalamang nga naman ang good vibes at positivity kesa sa mga dumi at ingay sa paligid…

SOSYAL FRIENDS

Eto naman yung mga celebrities na na-hook na rin sa Aldub phenomenon… siguro naman alam na natin at kilala na natin kung sinu-sino sila…

Anjan ang buong Dabarkads – TVJ, Allan K, Ruby, Ryan, Sam, Pauleen, Julia, Jimmy, Anjo, JoWaPao, Ryzza, Pia basta buong EB Dabarkads (kasama na staff crew) at yung mga bosses… Anjan din sila Rhian Ramos, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Charice, Jonalyn Viray, Tim Yap, Daphne O-Paez at marami pang iba pati na rin yung press people – na araw-araw eh nagsusulat tungkol sa Aldub… meron pa ngang iba na kahit nilalambing na ng kalaban na magsulat ng negative against Aldub eh hindi nagpapatinag… hihi

At syempre yung mga na-hook na rin na mga artists sa ibang networks… alam nyo na yun… :p

NERD AND ARTISTIC FRIENDS

Eto naman yung mga masusugid na taga-gawa ng mga memes… nagsusulat ng mga fanfic stories… mga taga blog (aherm – isa ako rito)… mga taga ALDUB SOCO… mga taga post ng trending statistics… mga taga-analyze ng cryptic tweets at mga nag-a-allot talaga ng kanilang mga oras para sa Aldub…

Sila din yung mga nagpopost ng mga nakaka nosebleed na posts proclaiming their love for ALDUB – straight English, no grammatical errors at deep…

GUY FRIENDS

Composed of guys na may not-so-secret crush kay Menggay… lol

Sila din yung naiinspire sa mga pinaggagawa ni Alden at nangangarap na makatagpo ng kanilang sariling Aldub story…

Shout out to Kimpoy (@kimpoyfeliciano)… LOL!! Peace πŸ˜€

LURKERS

Yung mga hindi gaanong active sa pag post sa social media pero nag-babasa…

Yung mga hindi vocal sa pagkagusto nila sa Aldub pero nakabili na ng Aldub meal (ako nga, hindi pa! laging unavailable daw kasi!!)…

Yung mga NR lang pero kinikilig na pala sa tvc ng Aldub…

Yung mga anjan lang… pero naghihintay na sumugod sa mga sinehan kapag pinalabas na ang movie ng Aldub… hahaha!! Kaway-kaway!!

INTERNATIONAL FRIENDS

Syempre yung Team Abroad at Team Puyaters natin na masusugid na sumusubaybay sa Kalyeserye… yung mga modern day heroes natin na pantanggal lumbay at lungkot ang Aldub…

Sila yung humahalili sa ating mga nandito sa Pilipinas para itaguyod ang pagpapanatili ng pagti trend ng Aldub sa social media… Yey!!! Kudos!!! Hats off to all of you!! Mwuah, mwuah, tsup, tsup…

IN DENIAL

Eto yung pinaka favorite ko… hihihi

Sila yung mga panaka-naka o grabeng mang bash… napanuod na at sumusubaybay sa Kalyeserye pero hindi nila matanggap sa sarili nila na fan na rin sila kasi yung loyalty nila ay dun na sa nakasanayan nila…

Advise ko sa kanila: okay lang naman maging loyal kayo sa sinusuportahan nyo at mas lalong okay lang din naman na tumangkilik sa iba… di na kelangnang magbitiw ng harsh and mean words… kayo lang din naapektuhan nyan… nagkaka wrinkles pa kayo…

Ako, like I said first time kong magpakabaliw sa isang local love team, pero I also admire other loveteams… πŸ™‚

***

So… alin kayo sa mga yan??
Maaring naka relate kayo sa isa sa mga nabanggit ko or combination kayo… basta whatever happens – spread LOVE and not WAR… ALDUB YOU ALL!!!

Advertisements

4 comments

  1. jam sunga · September 17, 2015

    …I belong sa group ng Mommy Dub (though am also a 2-week old proud grandma). If I had a daughter, I would wish and pray she had a boyfriend like Alden. And Maine is everything I would like to have in a daughter if I had one. Everyone’s fave kalyeserye is slowly turning into a RealiTV…a beautiful lovestory unfolding before our very eyes. So raw, so real, so genuine.

    Liked by 1 person

  2. Tuna · September 17, 2015

    Lurker here hihhihhi:)

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s