Top 5 Qualities of MaiDen

Like I said, I’ve never been this gaga over a local love team or celebrity(-ies). I have been following ALDUB or MAIDEN religiously ever since I heard an office mate watching a YouTube clip of a KalyeSerye episode and I can still remember that it was the episode where Ms. Celia Rodriguez was a guest.

I find MaiDen alluring and relatable… parang wala akong nakikitang mali sa kanila… parang good role models talaga… but the following are the top five qualities that I like from MaiDen…

ALDEN

Aside from having that be-dimpled, handsome face and great physique ay ang kahanga-hangang mga katangian nya.

HUMBLE – Since Alakdana days to KalyeSerye, many artists he worked with can attest that he’s the same Alden na nakilala nila. Even his classmates can confirm that. I even read this FB post na nakita nya one time yung mother ng classmate nya dati during one of his mall shows and tinawag nya talaga ng “Tita”. For sure marami pang kwento about his humility and for me this is the most important quality that a famous person should have. 🙂

GENTLEMAN – I can confirm this based on my first hand experience. I mentioned on my previous post na nanuod kami ng Eat Bulaga one time as studio audience. During a commercial break, lumapit si Alden, kasama si Ryzza Mae, sa audience to have his picture taken with his fans and nakita ko talaga kung gano nya inalalayan ang ibang audience members na makalapit sa kanya para lang makapagpapicture, to think na meron namang security na nakapaligid. He did that unconsciously. And ayoko nang mag kwento pa kung gano sya ka-gentleman kay Menggay. Alam na nating lahat yun.

RESPECTFUL – Hindi lang ito pagpapakitang tao kundi totoo talagang respectful si Alden. On and off cam. A lot of people can confirm that. Dare? Again magkukwento ako during our Eat Bulaga excursion, any other artist na sikat or feeling sikat ay maiintimidate kang lumapit pero sya… no… sya pa mismo ang lumapit sa mga senior citizens na audience to make small talk with them… magpa picture with them… at syempre pa, yung gesture na ginawa nya sa parents ni Menggay. That was not scripted at all… oo, pinlano nya but the staff didn’t know that he’ll do it… even the cameramen were caught off guard sa ginawa nyang paglapit sa family ni Menggay na kelangan pa syang habulin. Hay!!

GOD-FEARING  – In all he do, he always acknowledge and honor God and dahil sa quality nya na ‘to ay hindi nya rin nakakalimutan ang isa sa sampung utos ng Dyos na “Honor thy father and mother”. Lahat ng kanyang ginagawa ay para sa mother nya… kung sya lang masusunod mas gugustuhin nyang maging Pilot di ba? But he loves his parents so much, his mother so much, na tinupad nya ang pangako nyang maging artista sya – not for fame or for money but to give joy sa mga tao… to glorify God.

REAL – eto and isa sa pinakamahirap kilatisin sa isang artista. Totoo ba o umaarte lang? Alam nating lahat na dyan sila magaling eh, sa pagpanggap. Some artist would squirm sa simpleng shake hands or peck on the cheek lang but not Alden. Sya na rin nagsabi mismo na okay lang sa kanya na yakapin, halikan, hilahin, makurot, makipag selfie man sa kanya or magpa fansign or what not. These are just simple things that a celebrity can do to return the love and support of their fans. And for him, it’s not that difficult to do and hindi nya kelangang magpanggap na gusto nya ang ginagawa nya dahil alam nating lahat na masaya sya sa ginagawa nya.

***

MAINE

She is being marketed as a mysterious girl na pati boses ay hindi natin alam pero being an avid Aldub fan ay hindi lang ako ang nakarinig na sa totong boses ni Menggay o nakakaalam kung ano ang background nya. Hindi lang sya well-educated and pretty, but she also has the following qualities.

FUNNY – Nope… she doesn’t make fun of others but she makes fun of herself. A quality na sobrang rare sa isang babae. Sya lang ata ang kilala ko na kung mag selfie eh walang takot mag-wacky o panget na anggulo ang kinukuha. Walang takot magpapanget ng mukha on live television kahit pa na nakatingin crush nya. Her humor is on point. Nakakasabay sya sa mga premyadong komedyante WITHOUT EVEN SAYING ANYTHING!!! Parang classic Charlie Chaplin lang – actions lang and facial expressions. And for a pretty girl na may sense of humor? Sino ba naman ang hindi magkakagusto??

RESPECTFUL – Just like Alden, isa din to sa pinakagusto kong quality ni Menggay. Hindi lang respeto sa mga katrabaho nya o mga kaklase o sa mga kaibigan nya kundi respeto sa mga nakakasalamuha nya lalong lalo na sa magulang nya. She’s respectful enough to even make paalam sa father nya even though she’s of age na na pwedeng gawin lahat ng gusto nya. Alam nating lahat yan kung pano sya nagpaalam sa tatay nya about sa date nila ni Alden. Hahah!

FAMILY-ORIENTED – She’s realy, really close with her family. Sa mga magulang nya at sa mga kapatid nya. It only shows how she was brought up at nakikita mong magiging isang mabuti syang asawa (kay Alden, hahahah!) at ina someday. Hayyy! She’s a real keeper!!!

SIMPLE – Need I say more? Alam nating lahat na galing sya sa isang marangyang pamilya pero kita nyo naman kung gano ka simple yung mga gusto nya. For someone who graduated from a prestigious school who took up a culinary course and even did an OJT abroad – isaw ang favorite food? Hawhaw and Mikmik lang tuwang-tuwa na? Hindi lang mabigyan ng pritong lumpia eh nagmamaktol na… hahaha! Low maintenance yet very, very precious.

SMART and CLASSY – eto ang pinakamahirap na makita ngayon sa ibang celebrities. Effortless ang pagiging classy nya and she can take anyone into a profound conversation about anything and everything. Hindi nya na kelangang umarte pa o ipilit kung anong meron sya kasi kusang lumalabas ang ganitong katangian sa kanya kaya sya isa sa pinakamagandang role models ng mga kabataan ngayon. 🙂

***

Ikaw? Ano ang nagustuhan mo sa kanila bukod sa kilig naiyong nararamdaman sa kanila?? 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s