Kalokang traffic!!!

Need I say more??

Naging biktima ako nito! Kaloka! September 8, 2015! Super OA ng ulan tapos yun na! Nagkandaloko-loko na ang mga kalsada pati kahabaan ng EDSA!

Bilang bayaning puyat, graveyard ang trabaho ko at ang pasok ko alas-dyes ng gabi… umalis ako ng bahay alas-syete para makaiwas sana sa traffic… Galing akong Commonwealth at ang opisina ko ay sa Glorietta… Mejo smooth naman ang naging byahe ko papuntang SM North kung saan maglalakad pa ko papuntang North Ave Station at sasakay sa ever reliable na MRT…

Sa kabutihang palad ay nakasakay naman ako sa MRT… YEY!!! YEY?!?!?! Utot mo!!

Pagkarating ng Santolan Station ay biglang nag-announce na hanggang Shaw lang daw sila dahil impassable daw ang Ayala station… nagpaumanhin yung naga-announce sa abala… leche!!! Kung lahat nakukuha sa simpleng “sorry” di sana matagal nang na-achieve ang world peace! Pero hindi eh! Hindi lang kami naabala! Na perwisyo kami ng bonggang-bongga!!

Buti sana kung ang binabaan namin ay makakasakay kami ng matiwasay… pero SHAW yun!! SHAW Boulevard!! Intersection! Na excite naman ako nung una kasi nakasakay ako agad ng bus papuntang Ayala kahit nakatayo lang sa center aisle at sobrang siksikan… keri lang… pero halos isang oras na naka-park yung bus sa Shaw kasi hindi madaanan ang EDSA!

Sobrang traffic!!!! Yung ibang tao, naglalakad na lang papunta sa kung saan man… mabuti na lang at tumila na ang ulan… grabe talaga!!

Halos dalawang oras akong nakatayo nang makaupo ako and guess what? Sa dalawang oras na yun, BONI pa lang yung inabot ng sinasakyan kong bus! From SHAW to BONI! DALWANG ORAS?! TOTOO BA?!?!?!?

Tapos, pagkatawid ng tulay ng nag detour yung bus… hindi pinapadaanan yung Guadalupe… lumiko sa kung saan man yung bus at ang labas ay PASEO DE ROXAS na! Pasado Alas dose na ko nakarating sa opisina bilang nilakad ko pa galing Paseo papuntang Glorietta.

Grabeng pasakit!

Sa nagsabi na hindi fatal ang traffic! Hindi pa rin kita napapatawad sa public apology mo!!

PWE!!!